MENU

Sa tuwing sasapit ang kapistahan ng Sto. Anghel dela Guardia, ang Mahal na Patron ng Parokya ng Kanlurang Tuao, ang Lokal na Pamahalaan ay naghahanda ng iba't ibang palatuntunan bilang pasasalamat at pagpupugay sa mga biyayang natanggap ng buong sambayanan.

At sa taong ito, ang Lokal na Pamahalaan sa Pamumuno ng butihing Mayor na si Atty. Francisco N. Mamba Jr. ay napagkaisahan na ipagdiwang ang "Pista sa Nayon" na may temang "Pattaraddayan" na ang layunin ay ang Pagkakaisa ng mga Tuaoeno.

 

Sa pagtitipong ito, lahat ng sangay ng gobyerno(Lokal at Nasyonal) maging ang (14) na barangay ay may nakalaang lugar (booth) sa loob ng gymnasium upang mapanitili ang kaayusan nito gayun din ang pagbubunyi ng bawat barangay sa pamamagitan ng iba't ibang katutubong sayaw sa kanilang ipinamalas na nagpapatunay lamang na likas na sa atin ang pagpapahalaga at pagsulyap ng magagandang asal,tradisyon,kultura at sining ng mga Pilipino sa sinaunang panahon.

Ang bawat barangay sa kanlurang Tuao ay lumahok sa pagtatanghal ng mga katutubong sayaw at ito ang mga sumusunod:

-Centro 01 -Polka sa Nayon

-Bagumbayan -La Jota Moncadena

-Fugu -Alitaptap

-Barancuag, Battung, Lallayug -Subli

-Alabug -Alegrito

-Accusilian -Komintang

-Centro 02 -Dayang Dayang

-Bulagao -Carinosa

-Mungo -Kaling kingan

-Cato -Mahlong Dance

-Cagumitan -Tiklos

Sa gabi ng pagtitipon,walang kasin saya ang nadarama ng bawat taong naroroon dahil sa kauna-unahang panahon ang panauhing pandangal ay ang butihing Gobernador ng Probinsya ng Cagayan na nagmula sa Bayan ng Tuao, na si Hon.Dr.Manuel N. Mamba na nagbigay ng mensahe sa ikakabuti ng sambayanan. Dumalo rin ang mahal na pinuno ng Bayan,ang Kagalang -galang na si Atty. Francisco N. Mamba Jr. na nagbigay din ng mensahe at gayon din ang kasalukuyang Bise Mayor na si Kagalang galang William N. Mamba.

Hindi rin makakalimutan ng taga-Tuao ang pagpapaunlak sa imbitasyon sa tuwing merong piging o pasinaya ay laging tumutugon ito nang buong -puso walang iba kundi si Kagalang galang na si Silvester "Bebot" III ng DOLE at ang isa pang panauhing pandangal na si NBI Director Atty.Dante Gierran.



Footbridge
Cassily Lake East


Pavillion & Swimming Pool
Cassily Lake Resort


Gazzebos
Cassily Lake


Greenbelt Area
Alibiao